
Sa ilalim ng pamumuno ng butihing Mayor Ross Rizal, ipinagmalaki ng Lungsod ng Calamba, Laguna ang mga plano para sa nakabibiglang proyektong Eco Wonderpark. Ang natatanging inisyatibong ito ay para mapaunlad pa ang Calamba Cuty, dumami ang tourista nito, at higit sa lahat makatulong na magpayabong ng ekonomiya.
Ang Economic Wonderpark ay may potential din na maging landmark destination at tourist attractiob sa mga residente hindi lamang sa mga taga Calamba. Hatid din ng pasyalang ito na ma-promote ng environmental consciousness habang nag aambag ito ng magagandang oportunidad sa mga taga lungsod katulad ng mga trabaho at revenue mula sa mga turista na gustong masaksihan ang pasyalang ito.
Ang groundbreaking ceremony na idinaos ay simbulo ng commitment ng lungsod para sa ika-uunlad at magandang kinabukasan para sa hinaharap.
Ika ng butihing Mayor ng Calamba:
“Ngayong araw ay kasama tayo sa ground breaking ng Eco Wonder Park dito sa ating lungsod. Hindi lang ito simpleng pasyalan kung hindi isang hakbang sa pangangalaga ng ating kalikasan at pagpapaunlad ng turismo sa ating bayan.
Sa pagbubukas ng mga bagong negosyo sa ating lungsod ay patunay ng isang malakas at matinong pamahalaan na pinagkakatiwalaan ng mga mamamayan.”